Misyon naming maging pinakapinagkakatiwalaang driver sa buong mundo
Taon-taon, 1.4M buhay ang nasasawi dahil sa mga banggaan sa kalsada sa iba't ibang panig ng mundo. Hindi katanggap-tanggap ang kasalukuyang kalagayan. Nakatuon ang Waymo sa pagpapanatili ng mas mataas na pamantayan sa kaligtasan. Dahil kapag nagawa natin iyon, makakagawa tayo ng sitwasyon kung saan may bagong paraan para makabiyahe ang mga tao. Sa landas na ito, layunin naming magbigay ng kalayaan sa paggalaw para sa lahat, bumuo ng sustainable at mahusay na ecosystem ng transportasyon, at iwanan ang planeta nang mas maayos kaysa sa dinatnan namin.


Simula sa unang milya
Sinimulan namin ang paglalakbay na ito mahigit isang dekada na ang nakalipas. Dinala kami ng bawat milyang nilakbay namin sa bawat kalsadang tinahak namin sa kinalalagyan namin ngayon. At pangmatagalan ito — nagsisimula pa lang tayo.
Sinimulan namin ang paglalakbay na ito mahigit isang dekada na ang nakalipas. Dinala kami ng bawat milyang nilakbay namin sa bawat kalsadang tinahak namin sa kinalalagyan namin ngayon. At pangmatagalan ito — nagsisimula pa lang tayo.
Kasaysayan ng Waymo
Kasaysayan ng Waymo


09
Nagsimula ang proyekto ng self-driving na sasakyan ng Google
Sinimulan namin ang hamong magmaneho nang autonomous sa sampung walang hintong rutang may 100 milya sa mga sasakyan naming Toyota Prius. Pagkalipas ng ilang buwan, nagtagumpay kami sa pagmamaneho nang autonomous sa mas maraming milya kaysa sa dati nang nagawa.


15
Unang ganap na autonomous na biyahe sa mga pampublikong kalsada
In-explore namin kung ano puwedeng makamit ng mga self-driving na sasakyan gamit ang Firefly. May mga custom na sensor, computer, at steering at braking system ang mga kotseng ito nang walang manibela o pedal. Noong taon na iyon, sumakay ang kaibigan naming si Steven Mahan sa unang self-driving na biyahe sa mga pampublikong kalsada ng Austin, TX. Legal na bulag si Steve.

16
Naging independent na kumpanya ng teknolohiya ng self-driving ang Waymo
Itinatag ang Waymo sa ilalim ng Alphabet bilang kumpanya ng teknolohiya ng self-driving na may misyong gawing ligtas at madali ang pagbibiyahe ng mga tao at bagay.

17
Nagsimula ang Programa para sa Maagang Rider ng Waymo
Nag-imbita kami ng mga residente sa Metro Phoenix area ng Arizona para sumali sa unang pampublikong trial ng autonomous na ride-hailing. Naging malaking tulong ang feedback nila sa paghubog ng aming teknolohiya, serbisyo, at iniaalok na experience ng customer.

18
Inilunsad ang Waymo One sa Metro Phoenix
Inilunsad namin ang kauna-unahang komersyal na serbisyo ng autonomous na ride-hailing sa mundo gamit ang Chrysler Pacifica Hybrid minivan — ang una naming sasakyang binuo sa platform ng maramihang produksyon na naka-integrate at idinisenyo para sa Waymo Driver.

20
Binuksan ng Waymo ang una naming ganap na autonomous na serbisyo ng Waymo One na rider lang ang nakasakay sa Metro Phoenix sa lahat ng miyembro ng publiko
Puwedeng direktang i-download ng sinuman sa U.S. ang Waymo One app (available sa Google Play at App Store) at mabilis silang makakapag-hail ng ganap na autonomous na biyahe sa saklaw na teritoryo namin.


21
Nagsimula ang programa ng pananaliksik para sa Trusted Tester ng Waymo
Nagsimula kaming magbigay-daan sa mga piling mamamayan ng San Francisco na gamitin ang aming serbisyo ng autonomous na ride-hailing para sa mga pang-araw-araw na pangangailangan nila habang nagbibigay ng mahalagang feedback na makakatulong sa paghubog sa kinabukasan ng mobility.

22
Inilunsad ng Waymo ang serbisyong rider lang ang nakasakay sa publiko sa SF
Sa unang bahagi ng 2022, nagsimula kaming magpasakay ng mga ganap na autonomous na rider — nang walang tao sa upuan ng driver — sa mga empleyado at sa publiko sa pamamagitan ng waitlist namin at sa mga Trusted Tester.


22
Inialok ng Waymo ang kauna-unahang serbisyo ng ganap na autonomous na ride-hailing sa airport
Waymo ang unang serbisyo ng autonomous na ride-hailing na nag-alok ng mga may bayad, ganap na autonomous, at 24/7 na biyahe mula at papunta sa airport pagkatapos nitong maglunsad ng mga biyahe sa Phoenix Sky Harbor International Airport.

23
Isinagawa ng Waymo ang mga unang ganap na autonomous na biyahe nito sa sunod nitong lungsod para sa ride-hailing: ang LA
Pagkatapos ianunsyong Los Angeles ang magiging sunod na lungsod para sa ride-hailing ng Waymo, isinagawa namin ang kauna-unahan naming mga biyaheng rider lang ang nakasakay sa LA para sa mga empleyado.

23
Ginawang electric ang buong autonomous na fleet ng Waymo
Lumipat kami sa ganap na electric na fleet, nag-paalam na sa Chrysler Pacifica Hybrid, at tumuon sa Jaguar I-PACE para sa buong fleet namin ng Waymo One.
23
Dinoble ng Waymo One ang saklaw na lugar sa Metro Phoenix at idinagdag ang Scottsdale
Noong Mayo 2023, pinagkonekta namin ang teritoryo ng serbisyo namin sa Downtown Phoenix at East Valley sa Arizona at idinagdag ang Scottsdale, kaya naging pinakamalaki itong saklaw na lugar ng ganap na autonomous at may bayad na serbisyo ng ride-hailing sa mundo na may 180 square miles.

24
Pagbubukas ng San Francisco para sa lahat
Binuksan namin sa publiko ang saklaw na lugar namin sa San Fransisco para makapag-download at makasakay ang kahit na sino.

24
Pagiging available sa lahat ng rider sa City of Angels
Naging available ang Waymo sa sinuman sa LA at hindi na ginamit ang waitlist. Puwede nang mag-download at sumakay ang sinuman sa aming saklaw na lugar sa LA.
Ang pinakabago mula sa aming blog

April 15, 2026
Florida’s New Way to Ride: Waymo Opens to Everyone in Miami and Orlando
Read more
April 9, 2026
Partnering with Waze to help cities patch their potholes
Read moreApril 7, 2026
Your Waymo ride, now arriving in Nashville
Read moreFebruary 24, 2026
Ready to Ride: Dallas, Houston, San Antonio, and Orlando
Read more
Pakikipagtulungan para gawing available sa lahat ang autonomous na pagmamaneho
Nakikipagtulungan kami sa mga leader sa iba't ibang panig ng mundo para dalhin ang kaligtasang hatid ng Waymo Driver at ang hiwaga ng Waymo One sa mas maraming tao.

Mga partner sa network
Sa ilang lungsod, nakikipagtulungan kami sa mga partner para mag-deploy ng mga autonomous na Waymo vehicle sa mga platform nila. Sa Austin at Atlanta, puwedeng maranasan ng mga rider ang mga biyahe sa Waymo sa pamamagitan ng Uber. Sa Phoenix, puwedeg maranasan ng mga user ang mga makabagong delivery sa pamamagitan ng DoorDash.
Uber

Doordash

Mga partner sa network

Sa ilang lungsod, nakikipagtulungan kami sa mga partner para mag-deploy ng mga autonomous na Waymo vehicle sa mga platform nila. Sa Austin at Atlanta, puwedeng maranasan ng mga rider ang mga biyahe sa Waymo sa pamamagitan ng Uber. Sa Phoenix, puwedeg maranasan ng mga user ang mga makabagong delivery sa pamamagitan ng DoorDash.

Uber

Doordash
Mga partner sa fleet

Sa US, pinapanatili ng Moove.io na malinis at tumatakbo nang maayos ang aming fleet. Sa Tokyo, tumutulong ang Nihon Kotsu at GO na pamahalaan ang aming feet at magmaneho nang mano-mano para imapa ang lungsod habang sinusuri namin kung paano makatugon sa mga kalsada sa ibang bansa.

Nihon Kotsu

GO
Mga partner sa automotive

Nakikipagtulungan kami sa mga partner sa automotive na may pagpapahalaga sa sustainability at nagbibigay sa amin ng mga platform ng ganap na electric vehicle na mai-integrate sa aming autonomous na teknolohiya.

Hyundai

Jaguar
Mga partner sa integration

Nakikipagtulungan kami sa Magna para i-integrate ang aming teknolohiya ng autonomous na pagmamaneho at i-assemble ang mga Waymo vehicle na nagsasakay ng mga rider araw-araw.

Magna
Mga partner sa EV charging

Tinutulungan kami ng mga partner namin sa EV charging para matiyak na naka-charge at handang magpasakay ng mga rider ang fleet namin araw man o gabi.

EVgo

Terawatt

Voltera
Pananaliksik sa kaligtasan
I-explore ang dataPangunahin ang kaligtasan sa lahat ng giangawa namin. Bukas naming sine-share ang aming data sa kaligtasan at nakikipagtulungan kami sa mga third-party na partner sa pananaliksik sa kaligtasan tulad ng Swiss Re para i-validate ang performance namin ayon sa mga benchmark na batay sa tao.
Mga partner sa komunidad
Kilalanin ang aming Komunidad ng WaymoMayroon kaming mahigit 100 partner sa komunidad na kumakatawan sa iba't ibang hanay ng mga interes, pangangailangan, at kakayahan. Nakikipagtulungan kami para bumuo ng kinabukasan kung saan makakabiyahe nang ligtas at madali ang lahat.
Mga partner sa sustainable energy
Tingnan ang aming epekto sa sustainabilityPara mapagana ang aming ganap na electric na fleet, nagso-source kami ng renewable energy hangga't puwede sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na utility at programa sa energy na pinili ng komunidad.
Mga tagapagpatupad ng batas at first responder
Matuto paNakikipagtulungan kami sa mga opisyal ng pampublikong kaligtasan para matiyak ang ligtas na paglulunsad ng aming teknolohiya. Proactive kaming nag-aalok ng mga in-person na pagsasanay at nagpatakbo kami ng mga session para sa libo-libong first responder at dose-dosenang ahensya.
Mga komunidad sa akademya at pananaliksik
I-explore ang Open Dataset ng WaymoDahil sa lawak ng pagpapatakbo namin, may natatangi kaming pagkakataong mag-share ng mga dataset sa komunidad ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng Open Dataset ng Waymo, nagbibigay-kakayahan kami sa mga mananaliksik na mapabilis ang mga pagtuklas sa autonomous na teknolohiya.
Pangunguna sa pag-unlad
Iba-ibang background ang pinagmulan ng pamunuan namin, pero iisa ang misyon naming buuin ang pinakapinagkakatiwalaang driver sa mundo para gawing mas ligtas, mas accessible, at mas sustainable ang pagbibiyahe. Kilalanin ang mga leader namin at kung ano ang nakakaganyak sa nila dito sa Waymo.

Tekedra Mawakana
Co-Chief Executive Officers
Tekedra Mawakana
Dmitri Dolgov
Co-Chief Executive Officers
Dmitri Dolgov
Becky Bucich
Chief People Officer
Becky BucichSteve Fieler
Chief Financial Officer
Steve Fieler
Amar Mehta
Chief Legal Officer
Amar Mehta
Satish Jeyachandran
Vice President, Engineering
Satish Jeyachandran
Ryan McNamara
Vice President, Operations
Ryan McNamara
Saswat Panigrahi
Chief Product Officer
Saswat Panigrahi
Mauricio Peña
Chief Safety Officer
Mauricio PeñaSrikanth Thirumalai
Vice President, Onboard Software
Srikanth Thirumalai
Pagbibigay-daan sa sustainable na transportasyon

Nakatuon kami sa pagtulong sa mga komunidad na lumipat sa mga paraan ng transportasyon na mas nakakabuti sa klima sa pamamagitan ng pagpapadali sa paglalakad at pagbibisikleta, pagdaragdag ng pampublikong sasakyan, at pagbibigay ng access sa mga pinaghahatiang electric vehicle (EV).
Mga resource para sa media

I-access ang mga tatak, larawan at video, at iba pang resource para sa press o edukasyon.








































